Ika-114 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ipinagdiwang sa iba’t ibang panig ng bansa

MANILA- Ipinagdiwang ang ika-114 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na pinagunahan ng mga opisyal na pamahalaan kabilang na sina Pangulong Benigno Aquino III at Vice President Jejomar Binay.

Pinangunahan ni Pangulong Aquino ang pagdiriwang sa Barasoain Chruch sa Malolos, Bulacan kung saan idinaos ang kanyang talumpati.

Sa Luneta Grandstand dito sa Maynila, nanguna naman si Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Alfredo Lim sa flag raising ceremony na dinaluhan ng mga empleyado ng pamahalaan at iba pang opisyal ng gobyerno.

Nag-alay din ng bulaklak sa monumento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, na sinundan ng 21-gun salute.

Bukod dito, iikot din si Binay sa job fair na ikinasa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Luneta bago tumungo sa one-stop shop ng pamahalaan.

Dumalo naman sa Kawit, Cavite sa Aguinaldo Shrine si Transportation and Communications Secretary Mar Roxas kasama ang ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines.

Magugunitang sa Kawit, Cavite unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 kung kailan idineklara ang kalayaan ng bansa.

Nagkaroon din ng pag-aalay ng bulaklak sa puntod ni Gen. Emilio Aguinaldo tulad ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Rizal sa Maynila.

Mayroon ding paradang inihanda sa Liwasang Aguinaldo ang mga Caviteno.

Nanguna naman sa Monumento sa Caloocan sina Justice Secretary Leila De Lima at Caloocan City Mayor Enrico Echiverri para sa pagtataas ng bandila ng bansa.

Tulad kina Rizal at Aguinaldo nag-alay din ng bulaklak sa monumento ni Gat Andres Bonifacio na sinundan ng 21-gun salute.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply