Ika-151 kaarawan ni Dr. Jose Rizal ginugunita ngayon

NANGUNA ang pamahalaang lokal ng Laguna sa mga programa at aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng ika-151 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani.

Bago ito, kaninang madaling araw nasa 151 bikers na kinabibilangan ng mga pulis, barangay tanod at iba pang personalidad ang nanguna sa pagbisikleta sa Rizal Park, sa Maynila patungo sa Laguna, ang bayang sinilangan ni Rizal.

Dahil ika-151 kaarawan ngayon ni Rizal, 151 ang mga biker na lumahok at 151 kilometro rin ang kanilang tinahak.

Ganap na alas-8:00 kaninang umaga, isang programa ang ikinasa sa Los Baños, Laguna na dinaluhan ng mga paaralan, kawani ng gobyerno at ilang private organization ng lalawigan.

Pambansang Bayani

Si Rizal ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Nag-aral si Rizal sa Biñan, Laguna at Ateneo de Manila sa Maynila. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral ng medisina sa Europa.

Si Rizal ay nakilala rin sa kanyang mahusay na pagsusulat. Sumikat at hanggang ngayon ay pinag-aaralan ang kanyang mga nobela na “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na nagpagising sa mga rebolusyunaryong Pinoy laban sa mga Kastila.

Marami pang naimbag sa Pilipinas si Rizal kagay ng kanyang pakikipaglaban sa malayang pamamahayag.

Noong 1896 inaresto si Rizal na pinaratangan ng paghihimagsik laban sa Espanya. Nilitis si Rizal at nahatulang patayin sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan (Luneta Park) noong Disyembre 30, 1896.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply