Ilang pasahero istranded sa pantalan sa Cagayan

ISTRANDED ngayon sa panatalan sa lalawigan ng Cagayan ang ilang pasahero matapos kanselahin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Butchoy.

Ayon sa PCG, naistranded sa Aparri at Sta. Ana ang mga pasahero na papauwi na sana sa isla ng Calayan, Maconacon at Divilacan.

Sinabi ni PCG Aparri Information Officer PO3 Efren Perez, na masyadong malalaki ang alon sa karagatan kaya minabuti nilang pigilan na makapaglayag ang apat na motor banca.

Sa ngayon ay nanantili at patuloy ang pagbabantay ng PCG katuwang ang Philippine Navy at Philippine Maritime Group sa mga mangangahas na maglayag kung saan nakataas pa rin ang gale warning bunsod ng bagyong Butchoy.

Samantala, kahit inalis na ang babala ng bagyo sa Eastern Samar ay nanatili naman ang babala ng PCG  sa mga maglalakbay sa dagat.

Ito ay dahil sa umiiral pa ring gale warning na palatandaan na mapanganib pa rin para sa maliliit na sasakyang pandagat ang pumalaot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply