Illegal loggers bilang na ang araw

BINALAAN ngayon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang pahayag ang mga patuloy na bumabalewala sa umiiral na logging ban sa bansa.

Ito ang mariing banta sa mensahe ni PNoy sa selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng Department of Environment and Natural Resources, sa Department of the Interior and Local Government, Department of Justice at DENR para bumuo ng mekanismo upang mapaigting ang kampanya laban sa illegal logging operations sa bansa.

Ayon sa Pangulo, dismayado siya sa patuloy na pamamayagpag ng naturang iligal na aktibidad kung saan kasabwat ang ilang tiwaling kawani at opisyal ng pamahalaan.

Dahil dito, pinaghanda na ng Pangulo ang Bureau of Corrections para sa pagdating ng mga aarestuhin sa anti-illegal logging campaign.

Tiniyak ni P’Noy na “bilang na ang araw nila” at magsiksikan sa kulungan ang mga iligal na magtotorso dahil hindi siya titigil hangga’t hindi nadarakip ang lahat ng mga bumabalewala sa kautusan para pagdusahan ang ginawang pagwasak sa kalikasan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply