Illegal logging sa Agusan del Sur iimbestigahan

INIUTOS na kaninang umaga ni Environment Secretary Ramon J. P. Paje ang pagkakasa ng malawakang imbestigasyon sa patuloy na iligal na pagputol ng puno sa Agusan del Sur.

Kasabay nito, pinasalamatan din ng kalihim ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at si Butuan City Mayor Ferdinand Amante, Jr., sa pagtulong nila na makumpiska ang may 4,214 piraso ng hindi nakadokumentong troso sa siyudad.

“We fully appreciate the continued support of the DILG, including our local officials in Butuan City led by Mayor Amante.  This is another testament to the effectiveness of engaging local government units in the national agenda of protecting and managing their natural resources within their respective political jurisdiction,” pahayag ng kalihim.

Nag-ugat ang pasasalamat ni Paje sa DILG at kay Amante sa matagumpay na pagharang sa nabanggit na mga troso noong Hunyo 4 sa Butuan City. Ang nasabat na mga iligal na pinutol na punong-kahoy ay mula umano sa kagubatan ng mga bayan ng San Luis at La Paz sa Agusan del Sur.

Sa kabila ng matagumpay na operasyon, ipinag-utos pa rin ni Paje ang pagsasagawa ng imbestigasyon lalo pa’t may alegasyong nabigo ang lokal na DENR monitoring teams na maharang ang mga troso habang ibinabiyahe ito sa Agusan River.

May dalawang mobile DENR monitoring teams ang pinakikilos ng ahensiya para bantayan ang anumang aktibidad ng illegal logging sa 390-kilometrong kahabaan ng naturang ilog, partikular na sa Talacogon sa Agusan del Sur at sa Las Nieves sa Agusan del Norte.

Karamihan sa mga nakumpiskang troso ay pula at puting lauan. Nasabat din ang apat na pump boats, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pamahalaan.

Ang lokal na pamahalaan ng Butuan ang naglaan ng police protection at seguridad sa nakumpiskang mga troso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply