Illegal logging sa Mindanao ipinatitigil

IPINAHIHINTO ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo sa lahat ng local officials sa Mindanao ang illegal logging na pinaniniwalaang sanhi ng malawakang pagbaha sa rehiyon.

Ito ang panawagan ni Robredo sa ginanap na isang press briefing sa Tapatan on Disaster Preparedness Forum na ikinasa sa General Santos City kaninang umaga (Hunyo 30), nang tanungin ito kung paano masasawata ang pagbaha sa ilang parte ng Mindanao.

Dinaluhan ang Gensan Tapatan ng mahigit sa 600 participants na kinabibilangan ng mga governors, city at municipal mayors, barangay officials sa Southern Mindanao, disaster risk reduction management regional officers, representatives mula sa civil society organizations, non-government organizations at maging ang mga miyembro ng media.

Ipinaliwanag ni Robredo na malaki ang papel ng mga local official sa pagpigil sa illegal logging activities sa bansa at ang kailangan lamang ay   political will.

Sinabi ni DILG chief na sa kasalukuyan at habang ikinakasa ang kampanya laban sa illegal logging sa Mindanao, ay walong Caraga policemen partikular sa Butuan City ang sinuspinde dahil sa pagkakasangkot sa iligal na pagtoroso.

Maliban sa walong pulis, sinabi rin ni Robredo na naikasa na rin ang imbestigasyon laban sa limang alkalde at dalawa pa dahil din sa illegal logging.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply