Impeachment proceedings iklian – mambabatas

NANAWAGAN ngayon si Quezon City Rep. Winston Castelo na iklian ang impeachment proceedings.

Hinikayat Castelo ang liderato ng Kongreso na agad bumuo ng isang joint executive-legislative commission na siyang magrerebyu sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona para mapaiksian ang mga impeachment trials sa hinaharap.

Sinabi ni Castelo na isa sa naging aral sa nakalipas na Corona impeachment trial ay pagkabinbin sa trabaho ng Kongreso ng halos limang buwan dahil sa pagdinig ng kaso.

Si Castelo ay nakatakdang maghain ng isang resolusyon para hikayatin ang dalawang kapulungan ng Kongreso na magbuo ng komisyon na siyang magrerebyu sa proseso ng impeachment nang hindi naman nasasakripsyo ang katotohanan at hustisya at mapa-iksi ang impeachment.

Gayunman, iginiit nito na hindi siya pabor na lagyan ng deadline sa anumang impeachment.

Kinumpirma rin ng kongresista na ang impeachment trial laban kay Corona ay hindi ang una at huli na dahil magiging bahagi na aniya ito ng pagibibigay ng accountability sa mga opisyal ng gobyerno.

Kabilang sa dapat rebyuhin ay ang rules on impeachment proceedings para mapa-iksi ang procedural and technical aspects; ma-engganyo ang mga lawyers groups na makatulong sa pagpapa-iksi sa impeachment at mabigyan ng paraan para makapag-partisipa ang mga hindi abogado sa proceedings.

“The last impeachment trial was too long. If we could cut the duration of the next trial to one or two months, the better for the country,” ayon kay Castelo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply