Impeachment vs Del Castillo ibabasura na

TUTULDUKAN na ng Kamara upang mailagay na sa archive ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Ito ay sa kabila ng pagdedeklara ng House Committee on Justice na may sapat na grounds, substance at probable cause ang naturang reklamo.

Nag-ugat ang kaso nang mangopya umano ng desisyon si Del Castillo sa kaso ng mga comfort women.

Sinabi ni Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng Justice Committee, wala nang panahon ang Kamara  para talakayin ang reklamo dahil mag-a-adjourn na sila sa susunod na linggo at sa pagbabalik ng sesyon ay ang state-of-the-nation address na ni Pangulong Aquino ang kanilang tututukan.

Kapag inupuan na aniya ng plenaryo ang reklamo ay siguradong sa basurahan na lang ang kahihinatnan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply