Implementasyon ng CARP, inalmahan ng magsasaka

NAGPROTESTA kaninang umaga ang mga magsasaka mula sa Central Luzon sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang almahan ang sistematikong pangangamkam ng lupa at malawakang pagpapalit-gamit ng mga sakahan sa kanilang rehiyon na bunga umano ng implementasyon ng Republic Act 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program extension with reforms (CARPer).

Kabilang sa mga nagprotesta ang Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) at Anakpawis na nagtakda ng dalawang araw na protesta kaugnay ng selebrasyon ng CARP na pinaniniwalaan nilang isang “bogus” na programa sa repormang pansakahan.

Maliban sa protestang isinagawa kaninang umaga at tanghali, magbi-vigil din sa gabi ang mga militante.
Bukod sa pambansang tanggapan ng DAR at DENR, nagprotesta rin ang grupo sa tanggapan ng DAR sa Region 3.

Nakatakda naman ang mga militanteng grupong nabanggit na tumungo sa Mendiola at magmartsa diretso sa US Embassy.

Samantala, naniniwala ang AMGL at ang sangay nitong Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda (Ambala), na sa halip na sa magsasaka, magsisilbi lamang sa interes ng mga Cojuangco-Aquino, angkan na may-ari ng Hacienda Luisita, ang implementasyon ng CARP o CARPer.

Habang naghahanda para sa isinagawang protesta kahapon, ipinanawagan muli ng mga magbubukid sa Luisita na ibasura na ang CARPer na binalangkas mula sa pinaniniwalaan nilang pekeng repormang pansakahan na CARP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply