Implementasyon ng K to 12 palpak — Trillanes

TAHASANG sinabi kahapon ni Senador Antonio Trillanes na palpak ang implementasyon ng K to 12 program ng Department of Education ngayong pasukan dahil sa kaliwat kanang reklamo ng mga magulang at estudyante.

Ito ang naging puna ni Trillanes sa mga opisyal ng DEPED sa pangunguna ni Undersecretary Yolanda Quijano sa pagdinig ng Senado kahapon.

Iginiit ni Trillanes na dapat inuna ng Deped ang pagpapatayo ng karagdagang silid-aralan para hindi mistulang sardinas na siksikan ang mga estudyante.

Gayundin, dapat bumili ng mga bagong kagamitan at nag-recruit ng karagdagang mga guro sa kinder para hindi mahirapan sa pagtuturo at hindi maisasakripisyo ang kalidad ng edukasyon.

Nagtaas ng boses si Trillanes kay Quijano nang hindi nito magarantiyahan na aangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa implementasyon ng K to 12 program.

Katwiran ni Quijano, hindi biglaan na mararamdaman ang pagbabago o pagtaas ng kalidad ng edukasyon dahil mahaba itong proseso.

Pero may mga bagong innovation at lesson silang pinag-aralan para makatulong sa mga estudyante na matuto sa ilalim ng bagong programa.

Nababahala si Trillanes na ang programa ay magbibigay ng trauma sa mga estudyante na umaasang makaga-graduate na sila ng high school pero hindi pa pala dahil may dagdag na dalawang taon silang bubunuin bago tumuntong sa kolehiyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply