Importer ng substandard na gamot, panagutin

HINILING ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay  na panagutin ang mga importer na sangkot sa pag-aangkat ng substandard na skin whitening products pati na ibang mga gamot na naglalaman ng mataas na lebel ng mercury na nakakasama sa kalusugan.

Ayon kay Magsaysay dapat magsagawa ng mas matinding crackdown. Aniya, dapat mapanagot ang mga ito dahil marami ang napipinsala ng kanilang mga produktong ibinebenta sa merkado.

Ang reaksiyon ni Magsaysay ay bunsod ng isang ulat ng Eco Waste Coalition na nagsasabing 13 whitening products na kanilang nasuri mula sa mga ibinebentang gamot sa Metro Manila ay naglalaman ng mercury levels na umaabot sa 550 parts per million (ppm) hanggang 60,800 ppm  na higit sa 1 ppm na ipinapahintulot ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Cosmetics Directive.

“Ang mga gamot ay itinuturing na regulated importations kaya’t  kailangang siguruhin ng Bureau of Customs na ang mga produktong walang permit ng Bureau of Food and Drugs ay hindi makakalabas ng pier. Ngunit para masiguro na talagang walang nakakalusot ay kailangang pag ibayuhin ng tanggapan ang pakikipagtulungan nito sa BFAD maging sa Department of Trade and Industry para masigurong kahit may makalusot sa pier ay mahuhuli pa rin ang sinumang nagbebenta nito.”

“Ang mga importers ng produktong ito ay dapat agad matukoy upang panagutin sa batas laban sa ilegal na importasyon, at pagbebenta ng produktong imbes na makatulong ay nakakasama sa kalusugan. Ang whitening products ay bahagi lamang ng mas malaking problema dahil maraming mga pekeng gamot din ang naipapalusot sa merkado na kinakagat ng publiko dahil mura. Ang hindi nila alam ay mas magkakasakit pa sila sa inaakala nilang gamot na dapat ay makapagpagaling sa kanila.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply