Infant formula na kontamido ng mercury, imomonitor ng FDA

SINIMULAN na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang monitoring sa merkado ng mga infant formula product na mula sa bansang China kasunod ng ulat na pagbawi ng ilang infant formula sa ilang pamilihan sa naturang bansa matapos na mapaulat na kontaminado ito ng mercury.

Ayon kay FDA officer in charge Nicolas Lutero III, ang produktong  Yili baby formula (Quan You baby formula) ay hindi rehistrado sa Pilipinas.

Tiniyak rin nito na nakikipagtulungan na sila sa Bureau of Customs upang masigurong ang mga naturang produkto ay hindi makakapasok sa bansa.

“(A)s a precautionary measure, the FDA is monitoring the presence in the market of the identified and affected infant formula product and is now coordinating with the Bureau of Customs to ensure that the said infant formula will not  be allowed entry into the country,” batay sa FDA advisory 2012-002, na inisyu ni Lutero.

Hiniling rin nito sa mga local government units na kaagad na iulat sa kanilang tanggapan kung may mga tao o estabilisimyento na nagbebenta ng naturang mga produkto.

Pinayuhan pa ng FDA ang publiko na maging vigilante sila at kaagad na i-report sa FDA ang pagbebenta ng mga naturang item sa pamamagitan ng FDA hotlines na 807-8275 o 842-5606.

Ang monitoring ng FDA ay isinagawa kasunod ng mga ulat na ang quality watchdog ng China na General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine (AQSIQ), ay naka-detect ng  “unusual” levels ng mercury sa ilang batches ng Yili (Quan You) baby formula.

Gayunman, sinabi ni Lutero na ang produkto ay hindi rehistrado sa FDA at wala rin silang record ng aplikasyon ng infant formula na gawa o mula sa Inner Mongolia Yili Industrial Group.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply