Iniwan ng mag-iina, vendor nag-suicide

MAKARAANG iwan ng kanyang asawa at dalawang anak, natagpuan na lang na naliligo sa sariling dugo at walang malay ang isang vendor na may dalawang tama ng bala sa sentido at kaliwang dibdib, sa loob ng kanilang banyo sa Tondo,Manila, kahapon.

Kinilala ang biktimang si Eddie Dineros, 27, vendor, may ka-live-in, ng Rm. 302 3rd floor ng isang gusali sa Coral St.,Tondo.

Batay sa naantalang ulat na isinumite ni Det.Franciso  Mendoza, kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong alas-12:30 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng banyo ng inuupahang silid ng biktima.

Nabatid sa report ng pulisya na coffee vendor ang biktima sa Tabora St., sa Divisoria sakop ng Binondo sa tuwing gabi at nitong nakaraang Abril ay nagbakasyon ang kanyang live-in partner na si Janice David at dalawang anak nito mula sa Northern Samar.

Nitong Mayo 4, 2012, iniwang mag-isa ang bikitima ng kanyang kinakasama at simula noo’y hindi na nagpakita pa ang mag-iina.

Nang dumalaw ang kapatid ng biktima na si Evelyn Dineros, kasama ang 2 taong gulang nitong apo sa tinutuluyang kuwarto ng biktima, natuklasan ang nakalupasay na biktima.

Nakuha sa tabi ng bangkay ang isang kalibre .22 na pistola at nakitaan ng tama ng bala sa sentido at sa kaliwang dibdib ang biktima.

Isinugod nila ito sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center subalit hindi na ito naisalba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply