Ipo Dam nagpakawala na ng tubig

KASUNOD ng malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kahapon (Hunyo 17), nagpakawala na kaninang umaga ang Ipo Dam sa Bulacan para mabawasan ang sobrang tubig na naipon nito.

Pinayuhan naman agad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga residenteng malapit sa Angat River na maging handa sa pagtaas ng level ng tubig.

“The water release from Ipo Dam is expected to affect the low-lying areas along Angat River from Norzagaray to Hagonoy. Residents in the area are advised for possible increase in the water level downstream,” pahayag ng NDRRMC.

Sinasabi na ang pagbubukas ng gate ng Ipo Dam ay nasa 30 sentimetro.

Kaninang alas-6:00 ng umaga, sinabi ng PAGASA na ang water level ng Ipo Dam ay 100.83 meters, na biglang sumipa sa 0.87-meter mula sa 99.96 meters sa nakalipas lamang na 24 oras.

Ayon kay PAGASA hydrologist Roy Badilla, ang pagpapakawala ng tubig sa pintuan ng Ipo Dam dakog alas-8:00 ng umaga ay 47.9 cubic meters bawat segundo.

Maliban aniya sa Ipo at La Mesa dams, ang iba pang major dams ay malayo pang umapaw. Sa kasalukuyan.

Ang La Mesa dam ani Badilla ay 79.79 cubic metro bawat segundo, at aapaw kapag ang water level ay umabot sa 80.15.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply