IR Cup Round 1: The game is on!

NAGSIMULA na ang kompetisyon para sa titulo ng 2012 IR Cup champion at saksi ang Carmona Racetrack sa mainit na bakbakan ng pinakamagagaling na Underbone racers ng Manila noong nakaraang Linggo, ika-3 ng Hunyo. Ang masungit na panahon ay tila nagsilbi pa nga atang hamon sa mga rider upang paghusayan at painitin ang karera sa track, na siya rin namang ikinatuwa ng mga nanood.

Para sa 130 cc Underbone category, si Tracy Soyangco ang nag-uwi ng 1st place title,na sinundan nina Edzen Zuniga (2nd) at Vrei-ar Suba. Naging maswerte naman si Suba sa 115cc Underbone category kung saan siya ang nakakuha ng unang pwesto, na sinundan nu Eljin Lobario at James Nolasco. Mga binatilyo naman ang nagdomina sa 150cc Underbone category kung saan si Anthony Roman (1st) at Marvin Mangulabnan (2nd) ang kumuha sa top 2 spots, habang ang nakatatandang si Rizaldy Canare naman ay nasa 3rd spot.

Muling sinuwerte si Suba nang maka-1st place siyang muli, ngayon naman sa 130 Automatic category; 2nd place ang rider na si Jeffrey Tria at sa 3rd place naman ay si Mayo Buraga. Inagaw naman ni Paul Mark Doblada mula kina Maico Carbonell at Gerry Quinones ang 160cc Automatic 1st place title. Ang mga suki naman ng SK race na sina Tracy Soyangco at Dustin Esguerra ay nabigong makuha ang 1st place title mula kay Raniel Resuello sa karera ng 180cc Automatic category.

Espesyal rin ang araw na iyon dahil ang inaugural race ng pinaka-aabangang MotoIR Cup ay siya ring idinaos. Ang MotoIR Cup ay isang one-make race, kung saan lahat ng motor na gamit ng mga kalahok ay pare-pareho ng specifications, kaya naman magkakatalo lang talaga sa skills at technique ng rider. Anim (6) na riders muna ang napili para sa 1st season ng MotoIR: Anthony Roman (Team Castrol), Jeff Chan (Gulf Racing), Rizaldy Canare (Replica Pro), Marvin Mangulabnan (Team HGM Performance), Masato Fernando (TWH Racing), at si Michael Altamira (KSR Racing). Mula sa anim, nag-emerge as top 3 para sa MotoIR first round sina Canare (1st), Mangulabnan (2nd), at Roman (3rd).

Ang taunang Inside Racing Cup (at ang kauna-unahang MotoIR) ay pinangungunahan ng Inside Racing Magazine sa ilalim ng pangangasiwa ng Editor-in-Chief at Publisher nito na si Al Camba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply