Isa pang US submarine hindi na dumating

ARAW NG KALAYAAN ang ipagdiriwang bukas ng Pilipinas sa harap ng bantang pang-aagaw ng mga teritoryo nito ng bansang China at mga pagkontra sa tulong ng Amerika dahil daw sa pang-hihimasok sa ating soberenya o kasarinlan.

Ano ba talaga ang gusto natin, lumuhod sa China o tanggapin ang tulong ng Amerika?

Ito Ang Totoo: Malinaw ang intensyon ng China na kunin ang sinasabi nating ating Panatag o Scarborough Shoal, pati na ang Spratlys, pawang sa West Philippines Sea na kilala ring South China Sea.

Talaga bang isinusuko ng Pili-pinas ang kanyang kasarinlan kung tatanggap ng tulong sa Amerika na may tratadong “mutual defense” ng bawat isa?

Dahil sa mga pagkontra, isa na namang submarino ng mga Amerikano, ang USS Columbus, na may 110 opisyal at tauhan, ang hindi na tumuloy dumaong sa Subic Bay Freeport ngayong araw na tatagal sana hanggang Sabado.

Tulad ng nangyari sa pag-kansela ng pagdaong ng US submarine USS Tucson nitong nakaraang Mayo dahil sa mga pagbatikos sa una ng pagdaong sa Subic ng isa pang US submarine, USS Carolina, milyon-milyong pisong kita rin ang nawala sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at mga negosyo rito at sa paligid.

Mga negosyong tulad ng supply ng mga pagkain, tubig, krudo at iba pa, at mga serbisyo sa tulad ng repairs at paglilinis ng mga tangke nito, hindi lamang negosyong “putahan” na laging iyon na lang ang binibigyang pansin at diin.

Ano ba talaga ang gusto natin? Mawalan ng oportunidad na kumita ang mga Filipino at ipamigay na rin sa China ang ilang sa ating teritoryo?

Ang pagkakaroon ng tatlong submarino o higit pa ng Amerikano, dagdag pa sa mga barko nito sa karagatang nasa paligid ng Panatag Shoal at Spratly, ay indikasyon ng kahandaan ng Bansang Amerika na tumupad sa “Mutual Defense Treaty” bukod pa sa mensahe sa China na narito lang sa paligid ang kanyang puwersa.

Ngayong araw ng kalayaan pwedeng pag-isipan: Gusto ba natin ang tulong ng Amerika o isuko na lang ang ating mga te-ritoryo sa bansang China na umaangkin sa mga ito? Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply