Isabela, Cagayan signal No.1 kay ‘Dindo’

INILAGAY na sa storm signal number 1 ang Cagayan at Isabela dahil sa bagyong Dindo na napanatili ang lakas habang tinatahak ang Hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 480 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin 65 kilometro bawat oras at may pagbugsong umaabot sa 80 kilometer kada oras.

Kumikilos ang bagyo ng pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, tinatayang nasa 330 kilometro Hilagang Silangan ng Casiguran, Aurora si Dindo.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente na nasa mabababang lugar at malapit sa bundok na mag-ingat at maging alerto sa posibilidad na pagbaha o pagguho ng lupa.

Ang mga bangkang pangisda at iba pang maliit na sasakyang pandagat ay binawalan ng PAGASA na maglayag dahil sa malalaking alon na naapektuhan ng Hanging Habagat at ng bagyo, lalo na sa eastern seaboards ng Central at Southern Luzon at Visayas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply