ISAFP agent, negosyante todas sa barilan

HINIHINALANG away sa babae ang dahilan ng pagbabarilan ng isang sundalo at negosyante sa loob ng videoke bar kaninang umaga sa Butuan City.

Agad na namatay ang sundalong kasapi ng Intelligence Service of the Philippines (ISAFP) bunga ng tama ng bala sa dibdib.

Kinilala ng Butuan City Police Office ang biktima na si Private First Class Jomari Alotaya ng Philippine Army at residente ng Cagayan de Oro City.

Namatay naman habang nilalapatan ng lunas dahil sa mga tama ng bala ng kalibre .45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Butuan City Medical Center ang negosyanteng si Tony Lopez.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang sundalo at ang negosyante ay naglilibang at umiinom ng alak sa loob ng videoke bar nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil umano sa isang waitress.

Ilang sandali nang pagtatalo, kapwa bumunot ng baril ang dalawa at nagpalitan ng putok na kapwa ikinamatay ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply