Iskedyul ng pet registration sa Marikina itinakda

LAYONG paigtingin ang pagsusulong ng responsableng pag-aalaga ng mga hayop, isasagawa ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Veterinary Office (CVO) ang taunang Pet Registration mula buwan ng Agosto hanggang Setyembre sa 15 barangay ng Marikina.

Alinsunod sa itinatadhana ng Ordinansa Bilang 62, Serye ng 2007, ang proyekto ay gaganapin mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon ayon sa sumusunod na schedule:

Para sa mga magpapatala, pinapayuhan ng CVO na dalhin ng mga may-ari ng aso at/o pusa ang mga sumusunod: (para sa mga bagong aplikante) 3-R sukat ng larawan na nagpapakita ng buong katawan ng alagang hayop; 2×2 larawan ng may-ari; at PhP75 registration fee; at (para sa muling magpapatala o renewal) dalhin ang nakaraang mga dokumento ng pagpapatala at PhP75 registration fee. Kung ang alagang hayop ay nabakunahan na laban sa rabies sa mga pribadong beterinaryo, kailangang iprisinta ang certificate of vaccination.

“Kailangan nating siguraduhin ang kaligtasan ng mga residente mula sa panganib na naidudulot ng rabies na dala ng mga hayop. Ito ay sa kadahilanang maaari itong maipasa sa tao sa pamamagitan ng laway na posible kung nakakagat ang hayop. Nais din nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng hayop sa lungsod,” wika ni Dr. Manuel Carlos, ang city veterinarian.
Ipinapaalaala ng CVO na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalaga ng anumang uri ng hayop sa mga resettlement area tulad ng Brgy. Tumana.

Noong taong 2010, mayroong 15,149 ang naipatalang aso at pusa sa lungsod, samantalang noong 2011, umabot naman sa 14,022 ang bilang ng naitala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply