Iskolar ng Bayan Act, inihain ni Cayetano

PORMAL nang inihain ni Senate minority leader Alan Peter Cayetano sa Senado ang Iskolar ng Bayan Act of 2012 upang bigyan ng full scholarship sa state colleges and universities ang mga nangungunang estudyanteng nagtapos sa pampublikong paaralan.

“Layunin ng panukala na magkaroon ng mga top students sa pampublikong paraalan na makakuha ng full scholarship na ibinigay ng gobyerno sa state colleges or university na kanilang pipiliin,” ayon kay Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na tungkulin ng gobyerno na na maibigay ang de-kalidad na edukasyon sa  lahat kahit ano ang kalagayang pang-ekonomiya ng isang estudyante.

“The bill aims to help outstanding graduates of national high schools to gain access to college education,” paliwanag ni Cayetano.

Inaasahan ni Cayetano na mabibiyayaan ng panukala ang mahigit 24,905 top ten students mula sa public high schools taun-taon na mabibigay sa kanila ng oportunidad na makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng mas magandang buhay na may natapos sa kolehiyo.

Ikinalungkot pa ni Cayertano na mula sa 2011 Annual Poverty iindicator Survey, umabot sa 16% sa tinatayang 39 milyong Filipino na may edad 6 hanggang 24 ang out-of-school-youth (OSY).

“This translates to 6.24 million OSY or one out of eight Filipinos aged between 6 to 24 is an out-of-school youth,” giit niya

Sinabi pa ni Cayetano na pangunahing sa dahilan na naitala sa survey ang mataas na halaga ng edukasyon, kawalan ng trabaho o naghahanap ng trabaho, at kawalan ng personal na interes.

“These data is indicative of the need to make education more accessible to the students,” aniya.

Umaasa naman si Cayetano na mahihikayat ng insentibong ito ang lahat ng mahihirap na estudyante na mag-aral nang mabuti at magsumikap upang manguna sa akademnya upang makamit ang full scholarship hanggang makapagtapos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply