Iwas droga exhibit sa Marikina sa Hunyo 22

BILANG bahagi ng kampanya  ng lokal na pamahalaan ng Marikina kontra droga, iniimbitahan ni Mayor Del De Guzman at ng tanggapan ni Vice Mayor Jose Fabian Cadiz ang lahat ng mamamayan ng Marikina upang dumalo at makiisa sa isasagawang Iwas Droga Exhibit sa ika-22 ng Hunyo mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Cityhood Park ng lungsod.

Kilala rin sa tawag na Iwas Droga Exhibit Caravan, layunin ng proyekto na magpakita ang iba’t ibang larawan na nagbibigay ng mensahe ng pag-iwas at paglaban sa ipinagbabawal na gamot, at mga aktibidad na ginagawa ng lungsod para maisakatupan ito.

Kasama rin sa mga larawang ipapakita ay ang sa Dalaw kay Lolo at Lola, Dalaw kay Batang K, Handog Ngiti, mga Medical Mission at Youth Outreach Program Against Drug Abuse (YOPADA) Three-point shoot-out.

Sa ika-24 ng Hunyo ay ililipat ang Iwas Droga Exhibit sa Barangay Hall ng Brgy. Barangka at sa ika-26 naman ay muli itong ilalagay sa Cityhood Park.

Samantala sa buwan ng Hulyo, ang Iwas Droga Exhibit ay bibisita sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya, sekondarya at kolehiyo sa buong Marikina.

Inaasahang tatagal nang isang linggo ang exhibit sa bawat paaralan.

“Nais natin na maipakita sa lahat na ang Marikina ay may mga ginagawang hakbang upang iwaksi ang droga.

Nais nating mahimok ang mga Marikenyo lalo na ang mga kabataan na makiisa sa ating mga ginagawang aktibidad para makaiwas sa masamang dulot nito,” wika ni Vice Mayor Jose Fabian Cadiz

Bukas ang exhibit sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply