Iwas-pusoy si Philip Salvador!

MAKATUTUNGGALI nga ba ni Vice Governor Daniel Fernando si Philip Salvador sa darating na eleksyon? Napipintong silang dalawa ang maglalaban kung yun din ang posisyong tatakbuhin ni Daniel.

Very vocal na si Kuya Ipe na tatakbo siya bilang Vice Governor ng Bulacan dahil na rin sa payo nina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla na kailangan na niyang i-announce at magkaroon ng survey kung ano ang pulso ng tao sa kanya.

“Gusto ko lang na magkaroon ng awareness ang mga Bulakeno na nag-decide na akong tatakbo at totoo na at nasa puso ko naman ito. Gusto ko lang ipaalam na gusto kong magsilbi sa kanila.

May mga haka-haka kasi na tatakbo akong Vice Mayor ng Pasay pero ang mga Bulakeno ay nagtaka kung bakit sa Pasay, sabi ko, hindi mali ‘yung nakuha nila,” deklara niya at naniniwala siyang blessing from God ang pagtakbo niya sa darating na eleksyon.

Samantala, tinanong din si Kuya Ipe kung sino sa mga young actor ang magiging next Philip Salvador?

“Marami pero sa ngayon.. sa mga age 25 pataas, pinakamagaling pa rin si John Lloyd Cruz,” aniya.

“Actually kung bibigyan niyo ng chance sa galing umarte, puwede siyang mag-action. Si Richard Gutierrez pwede sa action–drama, pero sa straight drama si John Lloyd Cruz. Puwede rin ‘yung bata-bata si Coco Martin,” sey pa niya.

Ano naman ang reaksyon niya na gagawing stage play nina Eugene Domingo at Edgar Allan Guzman ang ‘Bona’ na ginawa nilang pelikula noon ni Nora Aunor?

“Magaling namang umarte ‘yun. Fan ako ni Uge. Si Allan mahusay rin ‘yun. Kung isasapelikula ulit ‘yan, siguro bagay kay Dingdong Dantes, puwede sa kanya,” sey niya.

Sino naman sa palagay niya ang puwedeng maging Nora Aunor kung isasapelikula?

“Sa babae marami, e! mahirap ‘yung role na ‘yun. Diyos ko, kung gagawa ka ng Nora Aunor at Vilma Santos na role, mahirap. Gagawa ka ng mga ginawa ni Gina Alajar noon, mahirap,” aniya pa.

Tinanong din siya kung sino kina Nora o Vilma ang feel niya?

Napatagal ang pagsagot niya: “Ako, tatanungin mo, ako…ako. Teka, sigurado ka ako?,” tumatawa niyang sagot.

“Saka na,” hirit niya.

“Ako blessed ako, sobrang blessed ako because I worked with the best actors. Nakatrabaho ko lahat ng mga maga galing. Pero hanggang ngayon, sinasabi ko my favorite leading lady is Gina Alajar. Kasi she brings out the best in you kapag kaeksena mo siya,” aniya.

Hindi ba nagawa ni Nora Aunor o ni Vilma Santos ito sa kanya?

“Nagawa rin. Pero alam mo ‘yung … basta pumikit man ang mata ko alam kong ibinigay sa akin ni Lord ang mga mahuhusay, even Hilda Koronel, Chanda Romero,” sey pa niya.

Meron rin siyang balak na magtayo ng acting school pero hindi raw niya puwedeng pagsabay-sabayin ngayon.

Anyway, kasama ngayon si Kuya Ipe sa seryeng Makapiling Kang Muli ng GMA-7 at isa sa Protégé mentors sa newest reality-based search sa Kapuso network, ang Protégé: The Battle for the Big Artista Break!.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply