Jake Vargas pararangalan sa Pulilan

ANG gwaping na bagets na aktor na si Jake Vargas ay pararangalan sa Pulilan, Bulacan bilang isa sa mga Matatagumpay na Anak ng Pulilan. Tagaroon kasi ang kanyang Nanay Magdalena, Tata Mading at Lola Constancia. Nakatira sina Lola at Tata Mading sa Barangay Inaon.

Pinsang buo ni Jake ang bata at gwapong columnist ng Bulacan NewsCatcher na si Ariel Cunanan. Mahal na mahal ni Jake ang kanyang Lola Constancia at laging dinadalaw ito sa Inaon.

Napili rin si Jake ng Gawad Maharlika Award bilang Most Outstanding Teenage Actor of the Year. Sa dalawang awards ng batang aktor ay binabati siya nina Gov. Willy Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando at Congresswoman Marivic Alvarado. Sa Bulacan ay si Jake Vargas ang pinakasikat na artista sa hanay ng mga youngstars ngayon.

***

Vice Gov. Daniel Fernando ayaw magsalita

AYAW magsalita ni Vice Gov. Daniel Fernando tungkol sa pulitika sa Bulacan. Maaga pa raw at malayo pa ang election. Sa halip ay tutok siya sa paglilingkod sa mga Bulakeño. Katunayan ay inaabot siya ng gabi sa paglilingkod sa masa. Nang dumayo sa kanya ang National Media, sa halip na magsalita, humihingi ng tulong si Vice Gov. Daniel. Malayo pa raw ang election kaya public service muna.

***

Gawad Maharlika Awards 2012

ITO ang mga nagwagi sa Gawad Maharlika Awards 2012. Gov. Willy Alvarado bilang Dakilang Ama ng Bulacan; Vice Gov. Daniel Fernando, the unbeatable Vice Gov.; Cong. Marivic Alvarado, Dakilang Ama ng Bulacan; Mayor James de Jesus, Dakilang Ama ng Calumpit; Mayor Christian Natividad, The Best Mayor of Malolos; Mayor Ferdie Estrella, The Next Mayor of Baliwag and Best Public Outstanding Councilor of Bulacan; ABC Diony Mendoza Most Outstanding ABC; CBO Delfin Natividad Jr., Most Outstanding Budget Officer, at si Jake Vargas, Very Special Award.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply