James at Durant magkasama na sa team

MAGKASAMA sa workout, naging magkalaban sa NBA Finals at sa ngayon ay magkakampi na sina basketball superstars LeBron James at Kevin Durant sa darating na 2012 London Olympics.

Sa kasagsagan ng NBA lockout ay inimbitahan ni three-time NBA MVP James si three-time scoring champion Durant sa kanilang lugar sa Ohio para magsama sila sa workout sa gym.

Hindi naman alintana ni James na makakalaban pala nito si Durant sa 2011-12 NBA season.

”I envisioned it, but I didn’t know it was going to happen,” saad ni reigning NBA MVP James. ”But to see a few months later that we was going to meet each other in the finals, it was a great moment for myself and for him.”
Kahapon ay tinalo ng Miami Heat ni James ang Oklahoma City Thunder ni Durant, 121-106 sa Game 5.

Matapos ang siyam na season at tatlong subok sa Finals ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap ng tinaguriang King James.

Dahil sa ipinakita namang determinasyon ng Thunder sa pangunguna ni Durant ay inaasahan ni 2012 NBA Finals MVP na muli silang magkikita sa Finals.

”You know, this is not the last time we’ll see the Oklahoma City,” pahayag ni James. ”I wouldn’t be surprised – this won’t be the last time we see them in the finals.”

Dinala ng triple-double, (26pts. 13 assists at 11 rebounds) ni James ang Heat sa kampeonato at makamit din ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra ang unang championship.

Sa regular season, naging matindi ang kumpetisyon sa pagitan nina three-time NBA MVP James at three-time scoring champion Durant.

Si Durant ang nanguna sa puntos na may itinalang 1,850 habang pangalawa si James na may 1,683.

habang si James naman ang naging MVP sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) at segundo sa balota si Durant.

May average si James ng 30.8 points, 9.6 rebounds at 5.1 assists, habang si Durant ay 27.8 points, 7.9 rebounds at 4.2 assists.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply