James, Durant agawan sa championship ring

SA REGULAR season pa lang ay nagkakaroon na ng kompetisyon sa pagitan nina three-time NBA MVP LeBron James at three-time scoring champion Kevin Durant.

Pambato ng Miami Heat si James habang star player ng Oklahoma City Thunder si Durant.

Tabla sa 1-1 ang head-to-head match ng Heat at Thunder sa regular season kung saan ay nanalo sila sa kanilang home court.

Si Durant ang nanguna sa puntos sa season na ito na may itinalang 1,850 habang pangalawa si James na may 1,683.

Si James naman ang naging MVP sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) habang segundo sa balota si Durant.

May average si James ng 30.8 points, 9.6 rebounds at 5.1 assists, habang si Durant ay 27.8 points, 7.9 rebounds at 4.2 assists.

Kaya naman sa Miyerkules, (Martes ng gabi sa America) ay magkakaalaman kung sino sa kanila ang titingalain pagkatapos ng kanilang best-of-seven series finals.

Sa kasagsagan ng NBA lockout ay nakasama ni James si former NBA star Hakeem Olajuwon para mag-workout at inimbitahan din nito si Durant sa kanyang hometown sa Akron, Ohio.

”Me and KD, man, just tryin’ to get better,” sabi ni James sa isang video.

Lumalabas na James vs Durant ang labanan subalit kinontra naman ito ni Thunder coach Scott Brooks.

”It’s not about Kevin and LeBron,” ani Brooks. ”It’s not about any other thing other than playing good basketball against a very good team. … Individually, they’re the best players in the league.

Nakaraang taon parehong natalo ang Oklahoma City at Miami sa nagkampeon na Dallas Mavericks.

Sa season na ito ay sina James at Durant sinasabing best players na puwedeng bigyan ang kanilang koponan ng kampeonato.

Ilang tulog na lang ay mag-aagawan ang dalawang superstars na sina James at Durant sa isang ring.

”It’s only right. It’s only right,” wika ni James. ”We look forward to the challenge. It’s going to be a big test for us.”

Nauna ng sumampa ang Thunder sa finals matapos nilang kaldagin sa Game 6 ang San Antonio Spurs, 4-2 sa Western Conference habang umabot sa Game 7 ang panalo ng Heat kontra sa Boston Celtics sa Eastern Conference.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply