James makikilatis sa Game 4

IDINIIN ni reigning NBA MVP LeBron James na iba na ang Miami Heat kumpara sa nakaraang taon nang matalo sila sa Finals kontra Dallas Mavericks.

‘We’re a totally different team than we was last year when we was up 2-1,” sabi ni Heat star player James. “We understand what it takes to win, we’ve used that motivation and we will continue to use that motivation. But last year is last year, and we’re not going into a Game 4 on someone else’s floor.

Ayon kay three-time NBA MVP James, sasandalan nila sa Game 4 ang kanilang experience kontra Oklahoma City Thunder bukas upang mapalapit sa asam na kampeonato.

“We’re going into a Game 4 on our floor with a lot of experience in this type of situation. We’ll be ready. We love the challenge.” ain James.

Abante na ang Heat, 2-1 sa kanilang best-of-seven series nang pasuin sa Game 3 ang OKC, 101-95.

Umarangkada si James ng 29 puntos, 14 rebounds at three assists sa Game 3 kung saan ay nahabol nila ang 10 puntos na kalamangan ng Thunder sa third canto.

”He’s been aggressive all year, all postseason. He’s tall, strong, and physical. He’s a tough matchup. It takes five guys to really lock down on their offense because they’re a very offensive team especially with LeBron and (Dwyane) Wade.” saad ni sixth man of the year James Harden ng Thunder.

Ayon naman sa Thunder, nais nilang bumangon mula sa masaklap nilang pagkatalo.

”That’s over with. We’re moving on to Game 4,” wika ni Scott Brooks.

Samantala, matapos ang tatlong laro sa Finals ay lamang sa statistics si James kay Kevin Durant.

May 30.7 pts. per game at 9.7 sa rebounds si James habang si Durant ay 28.3 ppg at 7.5 lang sa rebounds.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply