JBC: Susunod na CJ daraan sa butas ng karayom

DARAAN sa butas ng karayom ang susunod na Chief Justice ng Supreme Court.

Ito ang tiniyak ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga kalahok o aplikante bilang Chief Justice ng kataas-taasang hukuman.

Sinabi ni Jose Mejia, myembro ng JBC, bukod sa interview ay isasailalim din ang mga aplikante sa psychiatric at psychological examination upang mabatid kung may kapasidad ba itong pamunuan ang pinakamataas na korte sa bansa.

Maaari rin aniyang mag-apply ang kahit sino basta ito ay aral sa Saligang Batas at handang harapin ang kanyang mga kritiko.

Una nang inihayag ni Mejia, ang pagtanggap ng aplikasyon at nominasyon sa nabakanteng posisyon ni dating Chief Justice Renato Corona ay sisimulan sa susunod na linggo. Dito, bubuo sila ng shortlist na kanilang isusumite kay Pangulong Benigno Aquino III.

Alinsunod sa batas may 90 araw o halos tatlong buwan si Pangulong Aquino upang pumili ng susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.

Kaugnay nito ay nakatakda namang mag-convene sa Lunes ang JBC upang simulan na ang proseso ng pagpili ng papalit kay dating Chief Justice Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply