Jeep nahulog sa bangin, 4 todas, 11 sugatan

APAT ang patay, habang 11 iba pa ang sugatan nang mahulog ang pampasaherong jeep sa isang  bangin Furanao, Balatoc, Pasil, Kalinga.

Kinilala ang mga binawian nang buhay na sina  Virginia Guyang Dingal, Lester Guisoben, Binay Dalnag at Jearin Trixie Wayaway, isang taong gulang.

Isinugod naman sa pagamutan sina Nardo Wayaway Tawan, Bonie Pan-oy, Dalin Telas, Leonie Tullabang, Corazon Alwod, Elisa Surat, Imelda Wayaway, Baby Boy Wayaway, Rodrigo Surat, Zared To-oc Alwod at Rocky Amiyan dahil sa mga galos at pasa sa naturang aksidente.

Nabatid na sakay ang mga biktima sa jeep (AYA 262) na minamaneho ni Dougan Lingayo nang bumangga ito sa rip-rap bago nahulog sa bangin na may lalim na pitong metro.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng aksidente.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply