Jeepney Kings ng Iloilo

NAGTUNGO sa Timog ang Shell Advance/Rimula team at RACE Motorsports Club nitong mga huling linggo ng Hunyo bilang bahagi ng 2012 Shell Advance Underbone Kings Challenge at Shell Rimula Jeepney King Challenge.

First stop ay sa SM City Iloilo noong Hunyo 20 para sa Shell Rimula Jeepney King Challenge. Ang tsuper na si Eddie Drillon ay nag-uwi ng P10,000 cash prize at ilang Shell freebies nang mapanalunan niya ang 1st place title sa paligsahan. Inuwi naman ni Bryan Paclibar ang P5,000 para sa 2nd place at P3,000 naman kay Anthony Barranco, ikatlo.

Ang pamasada naman ni Ranielle Dela ang nanalo ng grand prize na P3,000 para sa Best Dressed category, at sa ikalawa naman ay si Jose Sembrano at sa ikatlo ay Freddie Villafuerte.

Malakas talaga ang mga Ilonggo sa Shell at sa RACE Motorsports Club, dahil pagdating ng Hunyo 22, ang SM City Bacolod naman ang inulan ng mga papremyo. Ang tsuper na si Samson Banquil ay nakapagtala ng fastest time na 199.28s, kaya siya ang nag-uwi ng grand prize at freebies. Sinundan ito ng 204.87s ni Jessie Hedosil at pasok naman sa top 3 si Edgardo Amparado na nakapagtala ng 212.78s.

Patok naman sa mga hurado at maging sa mga dumalo ang disenyo ng jeep ni Gerard Quizan kaya siya ang nag-uwi ng P3,000 grand cash prize sa Best Dressed Category.

Manatiling nakatutok sa Ronda Remate para sa updates sa 2012 Shell Rimula Jeepney King Challenge at 2012 Shell Advance Underbone King Challenge!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply