Jennylyn natuwa sa pagkakalapit ng anak kay Lucky!

NATUTUWA si Jennylyn Mercado na madaling napalapit ang anak niyang si Baby Jazz sa boyfriend niyang si Lucky Manzano. Mahilig sa bata si Lucky kaya madaling nagkasundo ang dalawa kapag namamasyal. Sabi nga ni Jen sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-iisa, ang bagong soap opera sa hapon ng GMA7 na kapalit ng Hiram na Puso kung saan first time sila magkaka-partner ni Sid Lucero, na very Lucky siya sa anak nina Gov. Vilma Santos at Edu Manzano na si Lucky.

Dahil kay Lucky, maraming pagbabago ang nangyari sa kanyang buhay. Hindi na siya sakitin. Bagkus, malusog na’t sexy and fit siya ngayon.

Napakaseksi talaga ni Jen nang humarap sa press.

Bale inspired pa ang aktres na gawin ang lahat ng kanyang acting assignments. Imagine, bukod sa Hindi Ka Na Mag-iisa, may movie pa siya sa Regal Films na ididirek ni Joel Lamangan. Makakasama ni Jen sa cast sina Lovi Poe at ang baguhang actor na si Benjamin Alves, ang pamangkin ni Piolo Pascual na pumalaot na rin sa showbiz.

Sa bagong soap, naiibang role ang gagampanan ni Jen. Siya ang mag-aaruga sa kapatid na retarded na gagampanan ni Crystal Reyes. Ka-partner ni Jen sa soap si Sid Lucero.

000

EXCITED nang simulan ni Bea Binene ang bagong assignment niya sa GMA7, ang teenager role sa Luna Blanca. Magkakaroon na ng story conference ang second episode ng show sa July 2.

Sa panonood ng buhay nang magkapatid na Luna at Blanca ni Bea, nakikinita niyang sobrang madrama ang gagampanang role niya sa soap.

Talagang inaapi ngayon ang character nina Luna at Blanca. Si Bea si Luna at si Barbie naman ay si Blanca.

Pagdating sa iyakan, walang problema si Bea. Maalam siya sa ganitong mga eksena kahit pa sabihing ipinanganak siya na di hirap sa buhay.

Pampered si Bea noong bata pa siya dahil paborito siya ng kanyang ama. Buti na lang di siya lumaking spoiled.

Kung ang father niya ang masusunod, ayaw nitong mag-artista ang anak. Alam niya na matalino ito kaya gusto niyang pag-aralin sa anumang school na naisin ng anak. Pero nanaig ang hilig ni Bea sa pag-aartista. At any rate, kahit nag-aartista si Bea, hiling ng ama na huwag kalilimutan ang pag-aaral. Sa ngayon ay patuloy siyang nag-aaral ng home study program ng DepEd. May sarili siyang tutor para madaling maka-catch up sa anumang lessons kahit busy siya sa tapings.

Pangarap ni Bea na maging TV Journalist. Pero bata pa si Bea ngayon kaya puwede pa itong magbago. Pagdating sa college, tuturuan niya ang mga Kapuso stars na kahit busy sa tapings ay uubrang makapagtapos ng pag-aaral tulad nina Bianca King, Maxene Magalona at Ogie Alcasid.

000

HABANG bakasyon si Bea Binene ng ilang linggo ngayon ay binabalikan nilang mag-ina (Carina Binene) ang mga lugar na pinupuntahan nila nung si Bea ay pitong taong gulang palang. Iba na nga lang ang sitwasyon ngayon. Umalis na ang father niya sa kanilang bahay kaya sa pagbabakasyon ni Bea ay sariling gastos na niya ito. Unang pinuntahan ni Bea ang Hong Kong na kahit balik-balikbalikan pa niya ay hindi siya nagsasawa. Gusto rin niyang puntahan ang Disneyland dahil dito siya namimili ng kanyang gamit.

Ngayon naman ay gusto niyang puntahan ang mga magagandang isla sa Pilipinas. Bata pa lang siya ay dinala siya ng kanyang ama sa Coron, Palawan. Dahil di maganda ang weather roon ngayon, pumunta si Bea sa sa Cebu sa dating hideaway ng pamilya sa Tambuli Resort. Gusto niya kasing mag-scuba diving at water ski sa magandang beach ng Cebu.

Para kay Bea, gusto niyang samantalahin ang bawat oras na nakabakasyon siya. Pero tuwing Sunday at Monday, pumupunta pa rin siya sa Party Pilipinas at taping ng Good News ng GMA New TV 11.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply