Jessica Sanchez, bibirit ng Star Spangled Banner sa Pacquiao bout

LAS VEGAS – Si American Idol Season 11 runner-up Jessica Sanchez ang bibirit sa laban ni welterweight champion Manny Pacquiao at light welterweight champion Timothy Bradley Jr.

Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions CEO Bob Arum at sinabi na ang kakantahin ni Sanchez ay ang national anthem ng America na “Star-Spangled Banner.”

Binati naman agad ng mga fans ang Filipino-Mexican-American singer sa pagkanta ni Sanchez sa Pacquiao vs Bradley fight.

Matatandaang napabilib si Pacman sa talento ni Sanchez sa pamamayagpag nito sa pamosong American Idol.

Samantala, ang 14-anyos na si Kirby Asunto na nakabase sa New York, ang aawit ng “Lupang Hinirang” sa Pacquiao fight.

Ayon kay Asunto, doon siya unang narinig ng pound-for-pound king na kumanta at nasundan pa ito sa concert ni Pacman matapos ang kontrobersiyal na panalo laban kay “El Dinamita.”

Kuwento ng dalagita, isang karangalan ang pagkanta sa  pambansang awit ng Pilipinas lalo na sa laban ni Pacquiao kaya hindi na siya nagdalawang-isip nang alukin ng Pinoy ring icon.

Nasa bahay daw siya ni Pacquiao sa Los Angeles nang hilingin ng fighting congressman, na siya ang kumanta ng “Lupang Hinirang” sa laban nito kay Bradley.

Sa Amerika ay naging kampeon ito sa Child Access Broadway singing contest at naging grand champion sa Philippine Fiesta Idol sa New Jersey.

Ang Pacquiao-Bradley fight ay gagawin sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply