Jessica Sanchez bibisita sa Pilipinas!

GOOD news para sa mga fans ni Jessica Sanchez dito sa Pilipinas dahil bibisita ang sikat na singer sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng Americal Idol season 11.

Ang pagbisita ng Filipino-American-Mexican singer ay bahagi ng world tour ng AI season 11.

Markahan na ang petsang September 21,2012 sa inyong mga kalendaryo dahil ito ang petsa na inilabas para sa “American Idol LIVE! Tour 2012.” Ito ay gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod kay Jessica, kasama rin sa tour ang sampu pang kalahok sa AI na pangungunahan ng Idol winner na si Phillip Phillips, na kamakailan lang ay naoperahan sa kidney.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply