Jessica umawit sa opening ng NBA Finals; bet manalo ang Thunder

ISANG mahalagang okasyon na naman ang inawitan ni American Idol Season 11 first-runner up Jessica Sanchez.

Sa opening ng Game 1 ng National Basketball Association Finals, si Jessica ang umawit ng national anthem ng Estados Unidos.

Magugunitang si Jessica rin ang umawit ng US national anthem sa Pacquiao-Bradley fiht noong Linggo (Sabado ng gabi sa US) at sa PBS Memorial Day concert sa Washington D.C. ilang araw pagkatapos ng Idol Finale, noong Mayo.

Mula nang ideklarang first-runner up sa nasabing singing search ay naging busy na ang 16-anyos na may dugong Pinay sa kanyang singing career.

Nakatakda ring bumisita ang dalagita sa Pinas kasama ang top 10 ng Season 11 para sa Idol Tour.

Samantala, bokal naman s Jessica sa pagsasabing nais niyang manalo ang Oklahoma City Thunder laban sa Miami Heat.

Masaya rin ang dalaga sa mainit na pagtanggap sa kanya ng nasabing team.

Habang tinitipa ito,nasa third quarter na ang labanang Heat at Thunder at lamang ang Heat ng tatlong puntos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply