Jobs fair, medical mission handog ngayong Araw ng Kalayaan

KASABAY ng padiriwang ng ika-114  taon ng Araw ng Kalayaan naglunsad ng ngayong araw ng jobs fair ang Department of Labor and Employment at dental-medical mission ang Department of Heath sa Noli Me Tangere Garden sa Rizal Park, Maynila.

Bukod dito, nagbigay din ng skills demonstration ang mga barista (coffee making) at flair tending (wine mixing) ang mga estudyante ng TESDA para aliwin ang publiko na naghahanap ng trabaho.

Para naman sa naghahanap ng tulong ligal ay mayroon ding free legal services.

Nagsagawa rin ng pre-employment documentation services o one stop shop kung saan maaaring asikasuhin ng isang aplikante ang kanilang kinakailangang dokumento sa NBI, BIR, PRC, SSS, Pag-IBIG, NSO, PhilHealth at Philippine Postal Corporation ID (identification card).

Bandang alas-sais ay magkakaroon din ng tinatawag na “Kalayaan Concert” at bago matapos ang araw ay mayroong fireworks display sa P. Burgos Street malapit sa bantayog ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply