Joey, Edu & Arnell no big deal kung magkakaanak ng bading

IN A packet interview of the three equally wacky hosts Joey de Leon, Edu Manzano and Arnell Ignacio of TV5’s newest game show “Game ‘N Go” ( nag -premiere nung June 17, 12:00 nn)  with the entertainment press at Mario’s Restaurant, Morato coinciding with Father’s Day celebration, ang tatlong kalog had their field day gamely answering in a no-holds- barred manner all sane and insane questions at hand over top-of-the line exquisite  entrée that Mario resto is most known for, thank you.

Interspersed with other questions, tinanong ko si Arnell kung saang kategorya siya na-belong sa LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, and Transgendered) classification. Sagot niya belong daw siya sa lahat dahil ayaw raw niya nang ma-box  o malimitahan ang kanyang beauty at potentials whatever that meant hahaha. Of course, responsible gay and single father si Arnell behind the scene.

Komento naman ni Joey de Leon na meron siyang sariling meaning ng LGBT which is “Lalake, Girl, Baligtad,  Tuwad.” Na para sa kanya hindi na isyu ang kabadingan lalo na sa showbiz. “Bakit syur ba kayo sa akin na straight ako?” pabirong tanong ni Joey sa lahat.

Pwede rin sa klasifikasyon ni Joey  si Arnell. “Basta hindi ako nalilito sa sarili ko, sila ang nalilito sa akin hahaha, kung magkakaanak naman ako ng bading no bid deal, game and go pa rin!” sabi pa ni Arnell.

Nung tinanong ko si Arnell kung ang pagka-bading ba niya ay nagmula sa angkan (if it runs in the blood), sabi niya ay hindi raw niya alam. Tanungin ko na lang daw ang kanyang Daddy about it dahil parating na.

Akala namin ay nagbibiro siya, pero ‘nung dumating nga ang kanyang Daddy ay tiklop ako kahit hini-heckle pa ako nila katotong Mario Bautista at Dondon Sermino na tanungin ko na nga ang ama nito sa dami kong questions sa kabaklaan ni Arnell.

In a one-on-one, however, ay natanong din namin ang Daddy ni Arnell na nagsabi na dati hindi talaga nila accepted ang pagkabakla ni Arnell to the point na pinaalis pa niya ito sa kanilang bahay, pero much later natanggap na rin nila at sa ngayon hindi na isyu ang kabadingan ni Arnell para sa kanila. Apir na siya kumbaga.

Nabaling ang tanong ko kay Joey de Leon dahil built-in pala talaga sa upuan ang makuryente nang konti (slight lang naman) ang kamay ng mga contestants ng Game “‘N Go”  tuwing pipindotin nila ang buzzer for the little surprise and shock effect. Dahil live ang nasabing show, nangangamba si Joey na baka  ma-sanction sila ng MTRCB  kung halimbawa out of the little electric shock ng mga contestants ay may mabibigla at  magsabi ng “ay puki!” or “ay puta!”

Tanong naman namin ay bakit hindi pwede sa TV ang mga salitang “puki” o “puta”  samantalang sa print mapa-tabloid or broadsheet  ay naglipana ang mga salitang ito? Tingnan na lang natin sa Linggo at sa mga susunod pang ka-Lingguhan.  Exciting ngang tingnan ang portion na ito na dapat ang tawag ay “kuryentehan epek!”

Tinanong din namin si Joey de Leon kung bakit medyo private at hindi scandalous ang kanyang sex life compared to others. Napailing si Joey at sabi,  “Come to think oo nga ‘noh siguro magaling lang akong magtago, joke. Hindi, actually siguro una my hands are full of things to do in particular on the creative side. Aside from my TV hosting,  I write a lot like you. All through the years na-maintain ko ‘yung 13 syllables style of writing sa column ko sa Phil. Star. Ang patakaran ko kasi sa career ko ay: “Trabaho, Ipon, Travel, Enjoy and Share your blessings.”

So no time for scandals. Besides, stable ang family ni Joey with Aileen Macapagal as his better half for the longest time to three children who are all now professionals and are based in the States, London at sa ‘Pinas.

Some trivia on Joey’s life: Ang Lolo niya ay ang First Mayor ng Malolos, Bulacan sa time pa ni Emilio Aguinaldo.

Ayon pa kay Joey, ang uso ngayon sa TV hosting ay “baranggayan,” meaning paramihan ng hosts. It explains why kasama rin sa nasabing “Game ‘N  Go” show ang wacky veteran movie actress and TV host/ comedienne Gelli De Belen at Shalani Soledad now gamely on her own after her much ballyhooed separation from Willie Revillame’s show.

Na-taken aback din si Edu “Doods” Manzano ‘nung tahasan naming tinanong siya kung what were the lessons in life that he learned pagkatapos ng dalawang artista (Vilma Santos & Maricel Soriano) sa kanyang buhay.
Sagot ni Edu, “Sobra ka naman, nakadalawang artista na ako sa buhay ko? Sa bagay tama ka riyan, pero parang ‘yung salitang naka-dalawang artista medyo lady killer ang dating ko, pero alam ko prangka ka kasi kung magtanong kaya okay lang kilala kita from the good old days pa hahaha, ‘di ba?

Kidding aside to go back to your question,  palagi kong sinasabi, there is a lesson learned always from past experience that makes us a better person, and better father as well at the end of the day. There is a ‘lesson a day’ always talaga for us.”

Nagbiro si Edu ‘nung tanungin siya ng aming Kumareng Janice Navida ng Bulgar kung papano  niya iha-handle sakaling magkakaroon siya ng isang baklang anak,  sagot pa niya: “Sasamahan ko pa siyang magpa-opera sa Singapore para magpa-sex change, joke but really now I will take him for whatever he is.”

Does he approve of son Luis Manzano’s plan to  get into politics? His answer is a big “no.” “ Gagamitin lang siya and I warned him about it. I told him there is no such thing as quality time sa politics because public service is clearly quantity time. It is either you give up your showbiz career or  concentrate on public service. You cannot have them both. I hope he will take it from there, I mean his final decision if and when,” sabi pa ni Edu.

Finally, someone asked the three “What are their chances as hosts of ‘Game ‘N Go’?”  Biglang sagot ni Edu, “ Aba kami ay syur sa aming chances, ewan ko lang sa aming mga kalaban,” pabirong sabi niya.  On the serious side Edu noted na among other factors, mas nakakaangat di hamak ang kanilang show dahil kakaiba ang  format at segments nito, ‘ika nga alternative programming concept and show nila. Kukuryentehin ba naman ang mga contestants hahaha! Bago ito ha, only on TV5. Saan ka pa?

oOo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply