Jogger todas sa riding in tandem sa Cavite

PATAY ang isang jogger makaraang barilin ng dalawang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo sa Molino, Cavite kaninang madaling araw.

Namatay ang biktima na si Narciso Pascual, 59 dahil sa natamong tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45.

Batay sa ulat ng awtoridad ang biktima ay nagjo-jogging sa kahabaan ng Molino Boulevard, Cavite dakong 5:00 ng madaling araw nang lapitan ng isang motorsiklo na may lulan na dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Pagkatapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply