Joke ni Sharon sa kanyang talk show sa TV5 pinatulan ng mga bayotang nagtatago sa dilim

MABUTI na lang at napanood namin ang episode ng talk show ng aming nanay-nanayan sa showbiz na si Sharon Cuneta sa TV5 na “Sharon, Kasama Mo Kapatid” na umi-ere tuwing hapon kung saan guest nito ang matagal ng nagladlad sa kanyang tunay na kasarian na si Mr. Fu.

For us, walang pinatatamaan si ‘Nay Sharon nang mag-dialogue siya on national TV na ang advice nila sa mga bakla ay magladlad na. In general ito, o para sa lahat ng mga closet gay.

Kung natamaan ka rito at guilty ka dahil ayaw mong mag-out ay talagang magagalit ka. Pero hindi porke’t sinabi ni Mega na magladlad ka na ng iyong kapa ay dapat ka ng maimbiyerna sa kanya. Nasa sa inyo nga kung gusto na ninyong makawala sa madilim na cabinet na matagal n’yo ng pinagtataguan.

At ano naman, aber? ang kasalan ni ‘Nay Sharon kung humanga man siya sa pagpapakatotoo ng kanyang guest that day na si Mr Fu? Kasi naman marami kaming kakilala riyan, showbiz man o non-showbiz, na nagpapakalalaki sa harap ng otaw pero mas bakla pa pala sa aming tunay. Kasi, mga bayota, para ma-enjoy mo ang kagandahan ng gay life at di ‘yung nagtatago ka na lang parati riyan ay palayain mo na ang iyo’ng sarili. Makikita mo Teh, para kang nabunutan ng isang milyong tinik sa ‘iyong lalamunan. Try mo Teh, and you will be happy gyud!

***

Nikki at billy adjusted na sa kanilang long distance na relasyon!

HALOS isang buwan na ang long-distance relationship ng celebrity couple na sina Nikki Gil at Billy Crawford matapos lumipad pa-France ang huli upang buhayin ang music career sa Europe.

Kuwento ng bida ng Mundo Man ay Magunaw, kapwa sila nag-a-adjust ng boyfriend sa bagong set-up. Hindi man madali, gumagawa sila ng paraan na maalagaan ang kanilang relasyon habang pinagbubuti ang kani-kanilang career.

Aniya, “Okay kami ni Billy. Mahirap na magkalayo pero wala naman kaming magagawa dahil desisyon namin ito. Kaya araw-araw, we keep in touch– nagtatawagan at nag-i-Skype.”

Dagdag pa ni Nikki, malaking tulong sa adjustment niya sa long-distance na relasyon nila ni Billy ang suporta ng kanyang pamilya. “Blessed ako dahil buo ang pamilya ko. Nagkakatulungan kami physically, emotionally, and spiritually. Alam ng lahat kung anong panalangin ang kailangan ng bawat isa,” sabi niya.

Tulad ng boyfriend niyang si Billy, patuloy din ang pagsulong ng showbiz career ni Nikki.

Matapos bumida sa ilang theatrical play at ngayong nagmamarka na bilang bida-kontrabida sa de-kalibreng panghapong teleserye ng ABS-CBN, handa si Nikki na sumabak sa mas malalaki at mapanghamong proyekto. Upang mahasa ang talento sa pag-arte, hangad niyang makasama sa trabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa industriya. “Masaya ako kung sakaling makatatrabaho ko ‘yung mga serious actor kagaya ni Coco Martin, ‘yung tipong marami akong matututunan,” aniya. Bukas rin daw si Nikki sa pagpapa-sexy. “Kung kailangan ng character, kakayanin ko. Pero ang gumanap ng sexy role na may sexy theme mula simula, iiwan ko na lang ‘yun sa mga mas professional,” ani ni Nikki.

Samantala, patuloy na inaanyayahan ni Nikki ang TV viewers na subaybayan ang mas umiinit na kuwento ng kanilang Kapamilya Gold teleseryeng Mundo Man ay Magunaw.

Aniya, “Marami pa pong twists sa kwento. Maraming maayos at marami ring masisira. Kahit kami kapag nagbabasa ang script, nagkakagulatang kami. Kaya sana ay aabangan ng lahat.”

Huwag nang bibitaw sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN, ang Mundo Man ay Magunaw, araw-araw, 2:30 pm, pagkatapos ng It’s Showtime.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply