Jordanian, 2 Pinoy crew dinukot sa Sulu

NAGKUKUMAHOG ngayon ang Philippine National Police sa pagberipika sa ulat na isang foreign base journalist at dalawang Filipino crew ang posibleng dinukot nang magtungo ang mga ito sa Jolo, Sulu matapos na hindi na makabalik sa kanilang tinutuluyang hotel, ayon sa ulat ng PNP kahapon.

Sa report, kinilala ng Philippine National Police ang mga  biktima na sina Baker Atyano, isang Jordanian national at nagtatrabaho sa Dubai-based na Al Arabiya network at dalawang Filipino crew na kinilalang sina Rolando Letrero at  Ramelito Vela.

Nabatid na nakatangap ng ulat ang PNP na nawawala ang grupo ng mga Dubai-based journalists matapos magtungo sa bayan ng Jolo.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Chief Supt. Manuel Barcena ng Directorate for Integrated Police Operations-Western Mindanao, ipinagbigay alam sa kanila ng namamahala ng hotel na tinutuluyan ng mga biktima na hindi na nakabalik ang grupo simula pa noong Martes.

“A certain Baker Abdullah Atyano with Rolando Letrero and Ramelito Vela were reportedly abducted at Martirez St. Jolo, Sulu,” base sa pahayag ng  opisyal.

Kaugnay nito, nilinaw ni Barcena na inalok umano ng mga local government officials ang tatlo ng seguridad, subalit kanila itong tinanggihan.

“The Jolo mayor offered to provide security for them, but they declined, saying they would not go far from their hotel,” ayon sa opisyal.

Napag-alaman na dumating sa Jolo ang mga mamamahayag noong Lunes para gumawa ng television documentary.

Tumanggi pang kumpirmahin ng PNP kung dinukot ang mga ito bagama’t sinasabing malakas umano ang presensiya ng bandidong Abu Sayyaf sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply