Jordanian authorities, hinimok na makipag-ugnayan sa awtoridad

HINIMOK ngayon ng mga kinauukulan ang Jordanian authorities na makipag-ugnayan sa mga awtoridad  para mapalaya ang Jordanian journalist at dalawang Filipino crew, na diumano’y hawak ng Abu Sayyaf group.

Ginawa ni Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Western Mindanao head C/Supt. Manuel Barcena ang apela kasunod ng pahayag ni Jordanian foreign ministry spokesperson Sabah Rafel na mayroon na silang ginagawa para mapalaya ang kababayang si Baker Atyani.

Ayon kay Barcena, hindi pa nakikipag-ugnayan ang konsulada ng Jordan sa mga local authorities para lalong mapabilis ang pagpapalaya sa tatlong bihag.

Binigyang diin pa ng police official na sa kasalukuyan ay wala pang konkretong ebidensiya na magsasabing dinukot o hostage ng mga bandido ang tatlong mamamahayag.

Una rito, kinumpirma ni Interior Sec. Jesse Robredo na bagama’t hindi dinukot si Atyani at Filipino cameramen na sina Ramelito Vela at Rolan Letriro ay hindi naman sila makakaalis sa baluwarte ng mga bandido.

“While they remain unharmed and not threatened, they are now being prevented from leaving,” ani Robredo.

Tiniyak na rin ng Dubai-based Al Arabiya network na bukas silang makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa sinasabing pagkawala ng kanilang Southeast Asia bureau chief na si Baker Abdulla Atyani sa lalawigan ng Sulu.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply