Jordanian journalist, 2 crew hawak ng ASG, ransom kinukumpirma pa

MAY ulat na hawak na ngayon ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nawawalang Jordanian journalist at mga kasama nitong Filipino crew na naunang inulat na nawawala nitong nakalipas na linggo sa lalawigan ng Sulo.

Kasabay nito ang paglutang ng balita na may hinihingi ng ransom money ang mga taong may hawak kina  Baker Abdulla Atyani, beteranong journalist ng Al-Arabiya TV network, kasama ang dalawang Pinoy
cameramen na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela.

Subalit tumangging kumpirmahin ito ng Armed Forces of the Philippine lalo na ang mga naunang ulat na umanoy nakalap ng Philippine National Police dahil may binuo ng crisis management committee na siya lamang awtorisadong maglabas ng mga opsiyal na pahayag hinggil sa nasabing insidente.

Ayon kay AFP Western Mindanao command chief  Lt. Gen. Noel Coballes, tanging si Jolo Governor Sakur  Tan na siyang pinuno ng binuong Crisis Management Committee ang maaring magbigay ng anumang
updates hinggil sa kaso.

Sa inisyal na ulat ni Tan kay DILG Secretary Jesse Robredo ay sinabi nitong hindi pa agad na masasabing isang kidnapping ang nangyari sa grupo nina Atyani dahil posibleng may tinututukan lamang itong storya
na kanilang ginagawa.
.
Ayon kay Coballes,  hindi kami makaissue ng statement pag walang ano sa kanya (Tan), walang approval, s’ya kasi chairman ng crisis committee.

May lumabas kasing ulat na base sa “unconfirmed report” na nakalap ng Directorate for Integrated Police Operation (DIPO) Western Mindanao, hawak ni Yasser Igasan, isang Islamic spritual leader at tumatayong
lider ng ASG sa lalawigan ang mga biktima na sina r Atyani, beteranong journalist ng Al-Arabiya TV network, kasama ang dalawang Pinoy cameramen.

Pero ayon kay Police Dir. Manuel Barcena, kasalukuyan pa nilang biniberipika ang naturang impormasyon.

Napag-alaman na pakay ng grupo ni Atyani sa Sulu ay para kapanayamin si Igasan.

“There are unconfirmed information and we are verifying it if indeed thay are with the group of Yasser Igasan. But so far there is no report yet,” ayon sa opisyal.

Maliban dito, lumabas din ang isang ulat na nasa kustodiya naman ni Abu Sayyaf commander Tahil Sali ang tatlo.

Sinasabing isang tauhan umano ni Tahil na kinilalang si Absara ang may hawak sa grupo ng dayuhang mamamahayag.

Una ng iniulat na nagsumbong sa mga otoridad ang namamahala ng hotel na tinutuluyan ng mga biktima na hindi na umano nakabalik ang grupo, simula pa noong Martes.

Napag-alaman na dumating sa Jolo ang mga mamamahayag noong Lunes para gumawa ng television documentary.

Ang appeal ko, mas maganda kung they seek clearance or at least talk to the commander on the ground for them to be secured while covering something, apela ng heneral sa mga journalist na nais magsagawa ng document or coverage sa sabing region.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply