Paghahanap sa Jordanian journalist, 2 Pinoy crew pinaigting

PINAIGTING na ang paghahanap ng pulisya at mga miyembro ng Philippine Marine sa Sulu sa isang Jordanian journalist at dalawang Filipino TV crew na kasama nito na unang iniulat na dinukot sa naturang lugar matapos hindi bumalik ang grupo sa tinutuluyang kwarto sa Sulu State College hostel.

Ayon sa report, dumating sa Sulu sina Baker Abdulla Atyani, journalist ng Al-Arabiya TV network at ang dalawang freelance cameramen na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela noong Hunyo 11.

Nagtungo sa probinsya ang grupo para makapanayam ang bagong lider ng Abu Sayyaf group na si Yasser Igasan para sa ginagawang dokumentaryo.

Sinabi ng manager ng hostel na umalis ang tatlo sakay ng isang pedicab na naghihintay sa gate at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply