Jordanian journalist sinisi sa pagkakabihag ng ASG

SINISISI ni Pangulong Benigno Aquino III si Jordanian journalist Baker Atyani sa nangyaring pagbihag sa kanya ng bandidong Abu Sayyaf.

Sa isang panayam matapos ang mass oath taking ng mga bagong miyembro ng Liberal Party-Cordillera State University Gymnasium sa La Trinidad Benguet, sinabi ni Pangulong Aquino na kung hindi nilinlang ni Atyani ang mga awtoridad ay hindi mangyayari sa kanya at sa 2 filipino crewmen ang mabihag ng bandidong grupo.

“Well, we are monitoring the situation. I’m getting daily briefings. We will ascertain the latest briefing medyo confuse ‘yung information na umaabot sa atin dito. Pero ulitin ko lang, it shouldn’t have happened if the guy had not misled the appropriate authorities. ‘Yon ang issue. And he has caused us damage but he will undergo a process to explain all of these things,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa ulat, aminado ang mga awtoridad na mahihirapan ang mga security forces ng gobyerno na maglunsad na rescue efforts sa tatlong mamamahayag na sinasabing bihag ng Abu Sayyaf group sa lalawigan ng Sulu.

Sinabi ni Provincial Police Chief S/Supt. Antonio Freyra na base sa nakuha nilang impormasyon ay inihiwalay na ng mga bandido ang Jordanian journalist na si Baker Atyani at dalawang Filipino crew na si Rolando Letrero at Ramelito Vela.

Samantala, inihayag naman ni Col. Jose Cenabre, ang deputy commander for Marine operations ng Naval Forces Western Mindanao, na napuntahan na rin ng tatlo ang mga lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa lugar.

They are safe going around with different Abu Sayyaf and MNLF groups doing interviews,” ayon kay Cenabre.

Hindi naman matiyak ng opisyal kung malaya bang lilisanin ng tatlo ang lugar sa oras na matapos nila ang kanilang misyon sa pagpunta sa mga rebelde.

Nauna ng nagpahayag ng “concern” ang Malakanyang sa kaso ng tatlo pero iginiit ni deputy presidential spokesperson Abegail Valte na kanilang ipina-uubaya ang sitwasyon kay Interior Sec. Jesse Robredo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply