Juan Manuel Marquez shock sa pagkatalo ni Pacquiao

NA-SHOCK at halos hindi makapaniwala si Interim WBO Junior Welterweight Champion Juan Manuel Marquez sa naging resulta ng laban nina People’s Champ Manny Pacquiao at Timothy Bradley.

Batay sa naging obserbsyon sinabi ni Marquez na dinomina ni Pacquiao ang laban at hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng mga judges sa laban.

Kasabay nito, iginiit ni Marquez na hindi siya natuwa na makitang matalo si Pacman ngunit kahit paano ay naniniwala siya na alam na ngayon ni Manny kung ano ang kanyang naramdaman matapos ang kanilang
laban noong Nobyembre.

Kasabay nito, naniniwala ngayon ang sports analyst na si Recah Trinidad sa tinaguriang ‘Crime of the Century’ na si American undefeated boxer Timothy Bradley ang ginawaran ng panalo ng mga judges sa halip na si Pacquiao.

Binigyang diin ni Trinidad na malinaw ang pagkakapanalo ni Pacquiao lalo pa’t wala namang naibigay na magandang suntok si Bradley sa Pambansang Kamao.

Lumalabas sa kanyang score cards, walong rounds ang nakuha ni Pacquiao habang apat lamang ang kay Bradley.

Batay sa obserbasyon ni Trinidad nawala na ang mga pamatay na suntok ni Pacquiao sa naging laban kahapon  kontra kay Timothy Bradley.

Binigyang diin ni Trinidad na maraming pagkakataon na pwede na sanang pabagsakin ni Pacquiao si Bradley ngunit nabigo ito.

Sinabi ni Recah na maliban sa maling desisyon ng mga judge sa laban ay ikinadismaya din ng publiko na nawala na ang mga pang knock-out na suntok ng Pambansang Kamao.

Pinayuhan ni Trinidad si  Pacquiao sa rematch nito laban kay Timothy Bradley na dapat ito magrelax sa laban.

Paliwanag ni Trinidad na sa mga huling round ng laban ni Pacquiao kontra kay Bradley kahapon ay tila nakampante ang Pambansang Kamao kaya mapunta kay Bradley ang mga huling round ng bakbakan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply