Judge na kumukonsulta sa duwende, dinisqualify ng JBC

UMALMA na si Retired Malabon Regional Trial Court Branch 73 Judge Florentino Floro makaraang ma-disqualify ng Judicial and Bar Council ang kanyang nominasyon sa pagkapunong mahistrado ng Korte Suprema.

Kasabay nito, mariing ipinahayag ng dating Huwes na ‘hindi siya panggulo at hindi raw nalalayo ang kanilang nakuhang marka ni Senior Associate Justice Antonio Carpio sa bar exams ‘ patunay na kuwalipikado siya sa nabakanteng pusisyon.

Matatandaang diniskuwalipika si Floro dahil sa pag-amin nitong isinasangguni niya sa duwende ang kanyang mga naging desisyon sa korte.

Unang sinabi ni Floro na magdaranas ng sumpa ang mga mahistrado ng Korte Suprema gayundin ang kanilang mga kamag-anak hanggang sa ika-apat na saling lahi. Ito, anya, ang napagkasunduan ng tatlong duwende na sina Armand, Luis at Angel na nagpakita sa kanya . Inilakip ni Floro sa kanyang mosyon ang mga larawan ng tatlong duwende na tila kamukha ng komedyanteng “three stooges.”

Nagalit umano ang mga nasabing duwende sa hudikatura dahil sa pagtatakip ng mga ito sa katotohanan partikular na sa kanyang kaso.

Hindi naman tinukoy ni Floro kung sino sa 15 mahistrado ang hiniling niyang huwag mapasama sa sumpa ng kanyang mga kaibigang duwende.

Magugunita na sinibak ng SC si Floro dahil sa umano’y weird na pagsasagawa nito ng hearing sa kanyang sala at pagkonsulta sa mga nasabing duwende sa pagpapalabas ng desisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply