Judge Reyes nagdagdag ng araw sa pagdinig ng Ampatuan masaker

UPANG mapabilis ang paglilitis, nagdagdag ng mga araw ng pagdinig ang Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) para mapabilis ang paglalapat ng hustisya sa naganap na Maguindanao masaker .

Ito ay makaraang magpalabas si QC RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes ng apat pahinang kautusan na nag-aapruba sa mosyon ng mga akusado sa krimen na sina Datu Sajid Islam Ampatuan, Nasser Esmael, Nicomedes Tolentino, Bulatukan Omar Kayansang at Datutcon Malaguial Esmail na dagdagan ang araw ng pagdinig sa aspetong sibil ng kaso.

Bunga nito, magkakaroon ng dagdag na pagdinig sa kaso sa June 19, 26, July 3, 10, 17 at 24 ngayon taon para sa presentasyon ng mga private complaints may kinalaman sa aspetong sibil ng kaso.

Tumanggi namang pagbigyan ng korte ang hiling ng mga nabanggit na sila ay payagang makapagpiyansa para pansamantalang makalaya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply