Judges sa Pacquiao-Bradley fight nagkukumahog sa pagdepensa

HINDI magkamayaw ngayon sa pagdepensa sa kanilang kontrobersiyal na desisyon sa laban ni 8-division world champion Manny Pacquiao at newly crowned WBO welterweight champion Timothy Bradley ang tatlong naging hurado sa katatapos na laban ng mga ito.

Sa magkakahiwalay na panayam, iginiit ni Duane Ford na taliwas sa sinasabi ng CompuBox statistics na maraming suntok na pinakawalan si Pacquiao, mas marami umano ang hindi tumama.

Batay kasi sa CompuBox, nagtala ng 250 punches landed si Pacquiao kung ikukumpara sa 159 na rekord ni Bradley.

“I thought Bradley gave Pacquiao a boxing lesson.. I thought a lot of the rounds were close. Pacquiao missed a lot of punches and I thought he was throwing wildly,” ayon sa 74-anyos na si Ford.

Ang opisyal ay nagbigay ng 115-113 na iskor pabor kay Bradley.

Binigyang-diin pa ni Ford na naging patas at malinis ang kanyang paghatol sa bawat rounds ng laban.

“This isn’t American Idol. If I judge for the people, I shouldn’t be a judge. I went in with a clear mind and judged each round.”

Bukod kay Ford, pinaboran din sa laban ni Judge CJ Ross si Bradley para masungkit ng American undefeated fighter ang panalo via split decision.

Sa panig naman ni Judge Jerry Roth, aminado ang opisyal na bagama’t naging agresibo si Bradley pero wala umanong kaduda-duda na si Pacquiao ang nanalo.

“I’m looking for effective aggressiveness. I thought Pacquiao won a lot of the early rounds, and I thought Bradley came on in the end. That’s why I gave Bradley the last three rounds. But I still thought Pacquiao had done enough to win,” saad pa ni Roth.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply