Judicial Maturity kailangan sa susunod na Chief Justice — Binay

NANINIWALA si Vice President Jejomar Binay na kailangan may judicial maturity at administrative capability ang susunod na Chief Justice ng Supreme Court.

Sa panayam kay Binay na dumating mula sa kanyang working visit sa bansang Malaysia at Estados Unidos, umaasa umano itong magmumula sa akademiya ang papalit kay dating CJ Renato Corona matapos itong patalsikin ng Senate Impeachment court.

Aniya, kailangan na may kaalaman sa administrative position ang susunod na CJ at hindi kaso-kaso lamang dahil maituturing ito na isang department head.

“Ang Supreme Court Justice, ‘yan ang administrative officer ng lahat ng hukuman. May mga pondo iyang hinahawakan, maraming under sa kanya, kaya importante mayroong administrative experience sa Judiciary,” pahayag pa ni Binay

Dagdag pa ni Binay na hindi kailangan lumaro sa pulitika ang ipapalit kay Corona upang hindi ito mabatikos ng mga kritiko ng administrasyong Aquino.

“Sana ang mapili ay mayroong judicial maturity, walang masasabi na ito ho ay pulitiko. Siguro maigi din kung somebody from the academe, tulad nina Justice Fernandez at Justice Macalintal. You can never question their judicial maturity. So uulitin ko, iyong namumuno sa kanyang kasamahan, at namumuno sa departamento,” sang-ayon pa kay Binay.

Inihalimbawa pa nito na noon siya pa ay mag-aaral sa UP College of Law, karamihan sa kanilang guro ay mga kilalang legal luminary na naging punong mahistrado ng kataas-taasang hukuman.

“Sana ganoon na lang ang mapili na Chief Justice, gaya nina Justice Feliciano,” dagdag pa ni Binay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply