Justice Del Castillo, 7 pa tinanggihan ang nominasyon bilang chief justice

ISA na namang mahistrado ng Korte Suprema at isang dating senador ang tumanggi sa nominasyon sa kanila sa pagka-punong mahistrado.

Kabilang sa mga tumanggi sa nominasyon sina Supreme Court Associate Justice Mariano Del Castillo at dating Senator Rene Saguisag.

Si Del Castillo ay matatandaan na may kinakaharap pang impeachment case sa kongreso dahil sa umano’y pangongopya ng opinyon sa isang court decision na kanyang isinulat sa libro ng isang international legal experts.

Si Saguisag naman ay sumulat sa JBC kung saan sinabi nitong lagpas na sya sa mandatory retirement age na 70.

Sinabi pa nito na nagkaroon na siya ng oportunidad noon na makaupo sa korte suprema pero hindi niya ito tinanggap.

Bukod kina Del Castillo at Saguisag kabilang sa mga nag-decline ay sina:

1. Supreme Court Associate Justice Estela Perlas Bernabe
2. Dating Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
3. Dating Energy Secretary Raphael Lotilla
4. Dean Rodolfo Robles
5. Prosecutor Marianito Sasondoncillo
6. IBP President Roan Libarios

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply