K-12 magpapalala sa problemang pang-edukasyon

LALALA ang krisis sa edukasyon dahil sa pagpapatupad ng K-12 program ng administrasyong Aquino.

Ito ang naging babala ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio dahil na rin, aniya, sa kabiguan ng pamahalaan na makapaglaan ng sapat na pondo sa 2012 national budget.

Ani Tinio, nasa 1.6 milyong bata na may edad 5 taong gulang ang papasok sa Kindergarten bukas (Lunes) na magreresulta sa kakulangan ng 20,000 guro at 25,000 classrooms.

Dahil, aniya, sa programang ito ay lalo pang lumala ang kasalukuyang problema sa mga public schools na kulang sa may 132,483 guro, 97,685 classrooms, at 153,709 water and sanitation facilities.

Kasabay nito ay tinuligsa Tinio ang pamamaraan na ginagamit ng Department of Education para matugunan ang kakulangan sa Kindergarten teachers na malawakang contractualization, sa pamamagitan nang pagkuha ng mahigit sa 20,000 Kindergarten teachers na may one-year contracts of service.

“This is unprecedented, never before has the Deped hired contractual teachers in such numbers,” ayon kay Tinio at ,aniya’y, maituturing itong pananamalantala sa mga guro dahil sa mababang sahod.

Nasa P3,000 hanggang P6,000 kada buwan ang ibinabayad sa mga contractual kumpara sa P18,549 per month salary ng mga regular teachers. Maging ang pinakamababang sahod na tinatanggap ng mga government employee ay P9,000 kada buwan.

Dapat, aniyang, magpaliwanag ang Malacañang kung bakit underfunded o kulang sa pondo ang K to 12 program.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply