K+12 at krisis sa pamilyang obrero

NAKARARAMDAM ng krisis ang maraming obrero dahil sa K+12 ng Department of Education.

Sa kuwento ng mga obrero na ating nakakukuwentuhan, hindi na nila alam kung paano nila pagdurugtungin ang kanilang pamumuhay at ang pangangailangan ng K+12.

May ilan sa kanila ang naglipat na ng iskul mula sa praybeyt tungo sa pablik iskul. Pero hindi naman pala sagot iyon sa kanilang problema sa programa ni Bro. Armin Luistro.

‘Yung nakararami sa kanila ang umaangal na talaga.

oOo

Ito ang kuwento, Suki.

Itong K na kindergarten lang ay problema na. Noon kasi, hindi obligado ang K bago pumasok ang bata sa iskul.

Basta naturuan na ang bata na magsulat ng pangalan, address at iba pa at magbasa at magkuwenta nang konti, oks na oks na.

Ngayon ay obligadong pumasok sa iskul ang bata at hindi tatanggapin kung hindi dumaan sa kinder. Kaya naman obligado na rin ang gastos dito.

Baon, pamasahe at sari-saring gastos na pang-iskul, kasama ang para sa Parents Teachers Association dito.
Kung isasama ito sa iba pang nag-aaral na mga anak na tinamaan na rin ng K+12, ramdam na ramdam na talaga ang krisis.

‘Yung +12 na ang antas ay Grade 7 ang simula ngayon, magastos din pala dahil sa mga pradyek dito na simula umano ng treyning sa paghahanapbuhay ng mga bata paglaki nila.

oOo

Sabi ng mga mag-asawang magulang, kailangan nang huminto ang isa sa kanila sa trabaho dahil hindi nila kaya ang kumuha ng katulong para sa mga bata.

‘Yung iba, sinisisi nila ang kontraktuwalisasyon na sanhi ng ‘di tiyak na trabaho at kawalan ng kakayahan nilang sumunod ng tuloy-tuloy sa K+12.

Sa nagaganap na ito, hindi kaya darami ang out-of-school youths?

Paano ang paglala ng hirap ng mga magulang?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply